Answer:
May dalawang sangay o anyo ng panitikan.
Ito ay ang tula at tuluyan o prosa.
Ang mga tula ay may mga naratibo't lirikal. Maingat ang pagsukat at tugma sa mga ito.
Samantalang ang tuluyan o ang mga prosa ay mga lipon naman ng mga salita't pangungusap na may mga kwento at aral.
Ang tula ay may dalawang uri: naratibo at lirikal. Ang mga naratibo ay 'yung mga tinatawag na Epiko o Mahabang Tula, Ballad o Tulang-Inaawit, at Awit at Korido.
Ang mga liriko o lirikal naman ay 'yung mga Kanta, Sonet, Awit sa Luksa o Elegy, Ode, Simpleng Liriko, at Haiku.
Ang mga tuluyan o prosa ay may dalawang uri din: Kathang-isip at 'Di-Kathang-Isip
Ang mga Maikling Kuwento, Nobela, Drama, Pabula, Alamat, Mitolohiya, Kwentong Pambata ay ang mga Kathang-Isip na tuluyan.
Ang mga 'Di-Kathang-Isip naman ay ang mga Sariling Talambuhay, Talambuhay, Sanaysay, at Talaarawan