Gawain l: Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Isulat ang Mali kung ito ay mali. 1. Si Heneral Wesley Meritt ang kauna-unahang gobernador-sibil sa bansa. _2. Sa pamahalaang militar, ang pinuno ay ang gobernador militar na kung saan ang kapangyarihan niya ay tagapagpaganap, tagapagpatibay ng batas, at tagapaghukom. 3. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na makalahok sa pamahalaan. 4. Ang mga Pilipino ay hindi pinayagan ng mga Amerikano na mamahala sa sariling bansa kahit sila ay may sapat ng kaalaman. 5. Naunang naitatag ang pamahalaang sibil bago ang pamahalaang militar. 6. Hindi nasugpo ang mga sakit na kolera, tuberculosis kolera at iba pang nakahahawang sakit ng makabagong medisina. 7. Napabilis ang pakikipagkalakalan sa iba't ibang panig ng bansa nang ipakilala ang mga de-makinang sasakyan, sasakyang pandagat at sasakyang panghimpapawid. 8. Ang edukasyon ang itinuturing na pinakamalaking ambag ng mga Amerikano sa bansa. 9. Ang mga Pilipino ay natutong magsalita ng wikang Ingles, magbihis ng gaya ng mga Espanyol. 10. Ang mga Pilipino ay nagkaroon rin ng bagong libangan dahil sa mga pelikulang galing sa Hollywood.