B. PANUTO: Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahen o simbolong ginamit sa sumusunod na mga pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
16. Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay.
A. Ang pagkakaroon ng kanyang mga sinambit ay tila isang himala o panaginip.
B. Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay katuparan sa kanyang mga panaginip.
C. Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na siya ay magkakaroon ng kakaibang panaginip.
17 Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pact at maso rito araw-araw
A. Napagod at nagsawa na si Hashnu sa paulit-ulit na ginagawa.
B. Nangangarap siya ng buhay na perpekto kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo kahit hindi na magtrabaho
C. Ayaw na niyang gamitin ang paet at maso sapagkat para sa kanya ang paggamit nito ay isang nakakabagot na gawain
18. Mayabang siya sa paglakad kaya't ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
A Iginagalang ng kanyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa paraan pa lamang ng kanyang paglalakad ay masasabing siya'y isang ganap na hari
B. Sa kanyang pagiging bari ay naging mapaginataas siya kung kaya't ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
C. Ang paggalang ng kanyang mga tauhan sa kanya ay bunga ng kanilang labis na paghanga sa kanya dahil sa husay niyang maglakad.
Namumutla at napapagod siya sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kayang pahinain at talunin ng araw ang makapangyarihan at iginagalang na
hari.
A. Ito ay patunay lamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao ay may hangganan kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay.
B. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa kalusugan ng tao.
C. Ang tao at ang hari ay madalas magpaligsahan kung sino ang higit na malakas sa kanilang dalawa.
20. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa
pagiging manlililok
A. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani-kaniyang kalakasan, ang kailangan lamang ay tuklasin at pagyamanin ito.
B. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na pinakamalakas na nilalang sa mu​