Sagot :
Singapore
Ang Singapore na may pangalang opisyal na Republika ng Singapore ay isang pulo lungsod estado, na matatagpuan sa Timog silangang asya.Ang pulo ay dating tinatawag na Temasek at bininyagan ni prinsipe parameswara sa pangalang Singapura na nangangahulugan “lungsod ng leon”.
Kultura ng Singapore
Ito ay sentro ng sining at kultura na mayaman sa aspeto ng teatro at musika.Ang kanilang lutuin ay sadya ring de-kalidad.Ang kultura ditto ay binubuo ng kulturang Chinese,british,malay at indian.ang mga tao dito ay disiplinado at di lumalabag sa batas.isa ang Singapore sa pinakamaunlad na bansa.
Uri ng Edukasyon sa Singapore
Ang Singapore ay isa sa may pinakamataas na per capita (gdp) sa buong daigdig.Ang kaunlarang ito sa ekonomiya ay dulot ng kanyang iniluluwas na produkto nga nakabatay sa elektroniks at manufacturing.Malaking kompetisyon ang kaharap ng mga magaaral sa Singapore pagpasok pa lamang sa mga pamantasan.Ito ay sa kadahilanang ang pagpasok at pagtatapos sa mga unibersidad ay nangangailangan ng kaginhawaan sa buhay ng mga mag aaral.
Mga Paraan ng Pamumuhay sa Singapore
Ang paraan ng pamumuhay sa Singapore ay nakatutok sa mga pang-industriyal na paggawa. Sila ang tinaguriang sentro ng kalakalan at komunikasyon. Sa Singapore din ang may pinakamaraming bangko at kompanya at maging ang isa sa pinakamagandang pandaigdigang paliparan.
Panitikan ng bansang Singapore
Ang panitikan ng bansang Singapore ay binubuo ng isang koleksyon ng mga akdang pampanitikan sa anuman sa apat na pangunahing wika ng bansa.,maraming tula,dula,prosa at maikling kuwento ang galling sa Singapore.
4 na pangunahing Wika ng Bansa
1. English
2. Malay
3. Standard Mandarin
4. Tamil
Para sa iba pang impormasyon maari rin magpunta sa;
• Singapore Ekonomiya https://brainly.ph/question/2100179
• Significant of Singapore https://brainly.ph/question/605286
• Tradition of Singapore https://brainly.ph/question/141082