ano ang kahulugan ng kasabihan


Sagot :

Ang kahulugan ng Kasabihan ay ang bukang bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa mga gawain sa buhay. Ang isang kasabihan madalas ay anyong patula na may isa o dalawang taultod na may sukat at tugma.

Ito ay binubuo ng mga matatalinhagang salita na maaaring nanggaling sa ating mga ninuno.  Ang kasabihan ay makabuluhan at puno ng mga aral.

Mga Halimbawa ng Kasabihan:

  1. Unahing hanapain ang paraan huwag ang dahilan.
  2. Kapag pinangangatawanan, sapilitang makakamtan.
  3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
  4. Batang puso, madaling marahuyo.
  5. Ang gawa sa pagkabata,  Dala hanggang pagtanda
  6. Ang magalang na sagot, ay nakakapawi ng poot.
  7. Ang mgandang asal ay kaban ng yaman.
  8. Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
  9. Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
  10. Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
  11. Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa mga halimbawa ng Kasabihan tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/122367

Ang kasabihan ay uri ng panitikan na bahagi ng kulturang Pilipino.  

Dalawang Uri ng Panitikan

  1. Fiction o Kathang-Isip - nagmumula sa imahinasyon ng manunulat. Katulad ng maikling kuwento, nobela at iba pa.
  2. Di-Piksyon (Non-Fiction) - ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Uri ng Panitikan tignan ang link na ito:  https://brainly.ph/question/553777

Ang dalawang uri ng Mga Akdang Pampanitikan ay ang Akdang Tuluyan at Akdang Patula.

Mga Akdang Tuluyan o Prosa:

  • Anekdota
  • Nobela
  • Pabula
  • Parabula
  • Maikling kuwento
  • Dula
  • Pasaling Dula
  • Sanaysay
  • Talambuhay
  • Talumpati
  • Balita
  • Kuwentong bayan
  • Salawikain
  • KASABIHAN
  • Alamat
  • Mito

Mga akdang Patula o Mga Tulang Pasalaysay:

  • Awit at Korido
  • Epiko
  • Balada
  • Sawikain
  • Salawikain
  • Bugtong
  • Soneto
  • Kantahin
  • Tanaga
  • Tula

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Akdang Tuluyan at Akdang Patula tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/1487403