ano ang implikasyon ng yamang likas ng asya sa pamumuhay ng mga asyano?


Sagot :

Ang likas na yaman ng isang bansa ay nagdidikta ng natural na pamumuhay ng mga taong nakapaloob dito. Kung ang kaanyuang pisikal ng bansa ay mayaman sa yamang tubig, maaring ang bansang ito ay mayaman sa isda, at iba pang produktong galing sa dagat. Kung malapit naman ito sa kabundukan at kapatagan, agrikultura ang posibleng pangunahing hanap-buhay ng tao.