Sagot :
Kolonyalismo at Imperyalismo
Ano ang kolonyalismo?
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng makapangyarihang bansa sa mga mahihinang bansa para pagsamantalahan ang yaman nito.
Layunin ng kolonyalismo na palawakin ang teritoryo o nasyong sakop nito. Sa pananakop na ito hindi lamang yaman ang inaangkin kundi maging iba pang pangangailangan ng nanakop na bansa. Nais ng kolonyalismo na makinabang sa kung anong mayroon ang bansang nasakop nito.
Ano ang imperyalismo?
Ang imperyalismo ay paraan o patakaran ng pamamahala kung saan ang makapangyarihang bansa ang sumasakop sa mahihinang bansa sa pamamagitan ng hindi makataong paraan.
Sa pananakop, kinokontrol ang pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng isa o iba't ibang bansa.
Para sa dagdag kaalaman, alamin sa link.
Kolonyalismo at Neo-kolonyalismo:
brainly.ph/question/111347
brainly.ph/question/842679
Pagkakatulad ng imperyalismo at kolonyalismo:
brainly.ph/question/1965006
#LetsStudy