Tula tungkol sa "Proud Pilipino, Proud Kristiyanong Alagad Ni Kristo" (4 na saknong at 4 na taludturan sa bawat saknong) Thank you po...​

Sagot :

Answer:

Proud Pilipino

Pilipino ako sa anyo, sa kulay,

sa wika, sa gawa at sa kalinangan.

Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan,

kilala sa ganda at sa iwing taglay na yaman.

Sa mga ugat ko ay nananalaytay,

magiting na dugo ng raha at lakan;

ang kasaysayan ko'y di malilimutan

ng aking kalahi't liping pinagmulan

Maraming bayaning nagbuwis ng buhay,

di nag-atubili sa tawag ng bayan,

nabuwal sa dilim at nagdusang tunay

upang kalayaan ay aking makamtan.

Ikararangal ko itong aking lahi,

di ikahihiya sa alinmang lipi;

busilak ang puso, malinis ang budhi

mamatay ay langit kung bayan ang sanhi.

Proud Kristiyanong Alagad Ni Kristo

Minahal mo ako sa mga panahong kailangan ko ng pagmamahal

Minahal mo ako noong mga panahong kailangan kong umiyak at mag dasal

Minahal mo ako sa mga panahong gusto kunang sumuko

Minahal mo pa din ako kahit minsan na kitang ipinagkanulo

Ang pagmamahal mo ay sadyang walang katapat

Ang pagmamahal na saakin ay bumuo ng pag ibig na sapat

Hindi ka nagkulang saakin Panginoon

Ang mga pangaral mo sa puso ko ibinaon

Ikaw ang tunay na dakila sa lahat

kaya mong alisin ang mga sakit at sugat

Ang mga naranasan ko sa buhay

ikaw ang nagpatunay na kailangan ko ng kulay

binigyan mo ako ng kabuluhan

pinatawad saaking mga nagawang kasalanan

Salamat kasama kita noong mga panahong kailangan ko ng makakapitan

salamat dahil ikaw lang ang nais kong malapitan

at ngayon sa pag samba ay gusto kong ipagsigawan

ang kabaitan mo at kalwalhatian

Salamat dahil minahal mo ako ng walang kondisyon

Tinanggap mo ako sa hindi maipaliwanag na rason

kinalimutan mo ang pagkatao ko noon

kaya itong tula ng isang Kristiyano ay pakinggan

dahil ikaw lamang ang tunay na Diyos at makapangyarihan

Leave a Like if this Helped