B. Panuto: Sagutin ang mga tanong kaugnay ng iyong nabasa mula sa aralin tungkol sa Epiko. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.
6. Alin sa sumusunod ang katangian ng tauhan sa isang epiko?
A. Ang mga tauhan dito ay batay sa realidad o totoong buhay,
B. Ang tauhan dito ay maaaring magtaglay kapangyarihang di pangkaraniwan.
C. Ang tauhan sa isang epiko ay palaging namamatay at nagagapi ng kalaban.
D. Ang mga tauhan sa epiko ay karaniwang isinumpa para mamatay.
7. Batay sa istruktura, saan nabibilang ang epiko?
A. Awiting bayan
B. Dulang pantanghalan
C. Panitikang pasalindila
D. Tulang pasalaysay
8. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa karaniwang paksa ng epiko na umiikot sa tauhan maliban sa isa, alin ito?
A. Paggamit ng mga anting-anting
B. Pagtuklas tungkol sa pinagmulan ng bagay
C. Paghahanap sa magulang o sa minamahal
D. Pakikipaglaban sa mahihiwagang nilalang
9. Dahil sa ang epiko ay isang tulang pasalaysay, paano ito isinasalaysay?
A may sukat at tugma at nahahati sa saknong
B. maraming pangungusap at tuluyan ang pagkakasulat
C. nahahati ito sa mga kabanata
D. inaawit ito at binubuo ng maraming pangungusap
10. Alin sa sumusunod na akda ang HINDI epiko?
A Biag ni Lam-ang
B. Ibalon
C. Impeng Negro
D. Labaw Donggon​