Sa isang maliit na baryo, may isang bata na ang pangalan ay Agatha. Mabait Si Agatha at Ang Inahing Manok at masunurin siya sa kanyang mga magulang. Isang araw inutusan siya ng kanyang damo, nadaanan siya ng kanyang tiyahin na si Elyn at tinulungan siya sa pagtanggal ng mga damo. Makalipas ang ilang minuto inutusan ni Elyn si Agatha na kunin ang radyo sa bahay nila upang makinig ng musika, at sinunod naman ito ni Agatha. Pagbaba niya ng hagdan nakita niya ang inahing manok na papalapit sa kanya. Takot si Agatha sa inahing manok kaya dali dali siyang tumakbo at biglang nabagsak ang radyong dala at nasira ito. Pagkakita ng kanyang ina, galit na galit itong kumuha ng pamalo. At sa takot na mapalo, mabilis itong tumakbo papalayo. Pagdating ng tanghali, nakaramdam siya ng gutom kaya napilitan siyang umuwi sa kanilang bahay. Pagpasok niya pinalo siya ng kanyang ina. Kaya iyak siya ng iyak at tinanong ng kanyang ama kung ano ang kasalanan nito. Kaya kinuwento ni Agatha tungkol sa takot niya sa inahing manok, nasira niya ang radyo. Kaya pinayuhan siya ng tatay niya na huwag tumakbo kapag nakakita ng inahing manok dahil hindi ito susugod basta hindi mo pakikialaman ang kanyang mga sisiw. Kaya mula noon, hindi na siya natatakot sa inahing manok. Sagutan ang mga tanong: 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Saan naganap ang kuwento? 3. Paano nagsimula ang kuwento? 4. Ano ang suliranin ng kuwento? 5. Bakit natatakot si Agatha sa manok?
Paki sagot po tulungan ninyo po ako Marami pa po ako sagutan Please po