Payak ang sistema ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Laos. Agrikultura at pakikipagkalakalan ang karaniwang ikinabubuhay nila na sadyang naiimpluwensiyahan ng mga karatig bansa nito. Makikita ang uri ng kanilang pamumuhay sa kanilang nakatalang kasaysayan mula pa sa kanilang mga ninuno.