Ang panitikan ay galing sa salitang
pang-titik-an na ang ibig sabihin ay literatura. Ito ay nagpapahayag o
nagsasabi ng mga ideya, damdamin, maging ng mga karanasan, diwa o hangarin ng
tao. Ito rin ay pinakasimple o payak na paglalarawan ng isang ideya o paksa
lalo na sa pagsusulat ng tuluyan o tuwiran at patula.