Sagot :
Answer:
a. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Halimbawa nito, iniwan sa pangangalaga mo ang iyong nakababatang kapatid dahil umalis ang iyong ina. Ngunit sinabayan mo ang pag-aalaga ng panonood ng telebisyon. Dahil dito, nahulog ang kapatid mo. Nagkaroon ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina, hindi lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng nanay mo may bukol din ito sa noo. Nang tanungin ka, sinabi mong napadikit lang sa dingding kaya’t nagkaroon ng gasgas, subali’t di mo alam bakit may bukol ito. Hindi mo man aminin ang iyong ginawa at itanggi ang katotohanan, makumbinsi mo man ang iba at ika’y paniwalaan, ang iyong konsensiya ay nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang konsensiya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.
b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa itaas, sa iyong pagiisa hindi ka mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa iyong ina ang tunay na nangyari sa iyong kapatid. Ang konsensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.
c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. Halimbawang binalewala mo ang bulong ng konsensya na sabihin sa
iyong ina ang tunay na pangyayari, hindi na natahimik ang iyong kalooban. Mas tumindi pa ang pagkabagabag nito lalo na nang nilagnat ang kapatid mo. Kaya’t sinabi mo ang totoong nangyari sa iyong ina. Napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong pag-aalala at nakadama ka ng kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito, ang konsensya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring nagpapahirap sa tao. Ang konsensya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng katagang “hindi ako matahimik, inuusig ako ng aking konsensya”. Ipinakikita dito na ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao; kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.
Note:Hope it helps:)
correct me if wrong:)
#carry_on_learning