Answer:
Ang rehiyon ay isang salita o katawagang pangheograpiya na ginagamit sa maraming kaparaanan sa iba't ibang mga uri ng heograpiya. Sa pangkalahatan, ang rehiyon ay isang may hindi kalakihang sukat (midyum) na lugar o area ng lupa o tubig. Mas maliit ito kaysa buong pook ng isang bagay (na maaaring, bilang halimbawa, ang daigdig, isang bansa, isang sakop ng bundok, at iba pa). Mas malaki ito kaysa isang tiyak o espesipikong lokasyon. Maaaring tanawin ang rehiyon bilang isang kalipunan o koleksiyon ng mas maliliit na mga bagay (katulad ng mga estado ng Bagong Inglatera sa Estados Unidos) o bilang isang bahagi ng isang mas malaking kabuuan (katulad ng "ang rehiyon ng Bagong Inglatera ng Estados Unidos").