Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ngayong alam mo na ang katuturan ng pang-ugnay at ang wastong paggamit nito sa pangungusap. Ikaw ngayon ay magsusulat ng isang malikhaing sanaysay.
Gawain: Pagsulat ng isang Sanaysay
Panuto: Basahin ang isang komentaryo. Maglahad ng iyong opinyon hinggil dito at tiyaking magagamit mo ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng sanaysay. Buuin ito ng may apat na talata na may tiglilimang pangungusap. Pagkatapos, salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit. Gawing gabay ang pamantayan sa pagwawasto at isulat ito sa isang malinis na papel (30 puntos)