Ang Pamana
Ni: Jose Corazon de Jesus
Isang araw ang ina ko'y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandann
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan,
Nakita ko ang ina ko'y tila baga nalulumbay
At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay.
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya't aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman
SUKAT
TUGMA
TALINGHAGA
RARIKTAN
SIMBOLISMO​