°Ang isa pa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang "GIAN SERVICE O SAPILITANG PAGGAWA" O sapilitang paggawa. Sakop nito lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa pagawaan ng pamahalaang Espanyol, gaya ng PAGPAPATAYO NG TULAY, simbahan at PAGGAWA O PAGKUKUMPUNI NG BARKONG GALYON. "Polista" ang tawag sa mga naglilingkod dito. Sila ay Nagtratrabaho ng 40 araw sa pamahalaan, ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong '1884'. May ilang polistang isinama ng pamahalang Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Makaliligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may kakayahang magbayad ng 'Falla' o multa bilang kapalit ng kanyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito