Ano ang pinaglalaban ng kabataang pinoy ngayon 8-10 sentences

Sagot :

Answer:

SA MGA KABATAANG NAGUGULUMIHANAN SA POLITIKA

Ang kabataang Pilipino ay inaasahang magpapatianod na lamang sa mga sinasabi ng pamilya, mga institutsyon, at ng gobyerno o estado.

Madalas ding balaan ang bata: huwag kang makikisawsaw sa politika, hindi mo alam yan.

May kung ilang milyong mga magulang na ang nagsabi ng ganitong klaseng linya sa mga anak, at ang mga anak, dulot na rin ng kawalan ng ibang mapagkukunan ng turo at impormasyon, ay naniniwala at sumasangayon naman sa mga sinasabi ng mga matatandang madalas ay wala rin namang gaanong alam sa politika, sa mga mekanismo ng gobyerno, at kung ano ba ang dinamikong papel ng mga mamamayan sa pag-abot sa panibagong antas ng pamumuhay at lipunan.

Kinalalakhan ng kabataan ang paniniwalang sa pagboto lamang nakakamit ang pagbabagong kinakailangan, upang hindi lumubog sa karimlan ang bansa. Ngunit sa ilang dekada nang nakalilipas, malinaw namang hindi sa botohan nakakamit ang pagbabago.

Hindi lamang sa pagboto tuwing barangay, senatorial, at presidential elections naipapakita ang partisipasyong politikal ng isang tao.

Ngunit kung may sasangga at sasabihing "hindi espasyo ng bata ang politika!" may tanong ako sa inyo: ano ba ang ginagawa ng institusyon ng pamilya at paaralan sa mga bata?

Hindi ba mula sa edad ng bahagyang pagkamuwang, pinapaliwanag na ng mga magulang kung bakit may gobyerno, may pulis, may sundalo?

Hindi ba sa eskwelahan paulit-ulit inaaral ang mga naging presidente ng Pilipinas, ang textbook version ng ating kasaysayan bilang nasyon, at maging ang ekonomiya ng bansa?

Hindi ba't sa K-12 system ay madadagdagan pa nga ang mga taon na kailangan manatili ng isang PIlipino sa school system?

Explanation:

Hope it helps

#Carry on learning