Sagot :
Answer:
Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
Pinagkaitan ng kalayaan, katarungan at maayos na pagtrato sa karapatang pantao ang mga Pilipino.
Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga imported na mga produkto dahil sa kaisipang kolokyal.
Napigilan ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya ng bansa.
Hindi naging makatarungan ang pagtuturo dahil nabigyang diin ang pagtuturo ng relihiyon.
Pinaglayo ang antas ng pamumuhay, mas iniangat ang mga mayayaman at ginawang alipin ang mga mahihirap.
Nagkaroon ng tapang, nagkaisa at nagtulungan ang mga bayaning Pilipino na handang ibuwis ang kanilang buhay upang makawala sa mga mapang-aping mga dayuhan at upang makamit ang kasarinlan.
Ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay isa sa pinakamahirap na pananakop na naranasan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop. Ang mga Pilipino ay ginawang mga alipin sa sariling bayan at hindi pinatikim ng kaginhawaan mula sa sarili nitong likas na kayamanan. Tunay ngang nakalulungkot ang pinagdaaanan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila, inalisan sila ng karapatan at kalayaan sa sariling bayan. Ang pananakop ng mga Kastila ay masasabing panahon ng pagmamalabis at kalupitan. Sa loob ng mahigit labing-pitong dekada ay nagtiis, nakipaglaban at nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino upang makawala at makaligtas sa mga pang-aapi at makamit ang kasarinlan at kalayaang hinahangad at pinapangarap.
Explanation:
Hindi, walang kalayaan ang mga pilipino noong panahon ng kastila at ang mga kastila ang namumuno sa mga pilipino maraming hirap ang naramdaman nang mga pilipino pero dahil sa lakas at talino nang mga pilipino ay nakalaya rin tayo sa mga kastila sa tulong nang ating mga magigiting na bayani.