Ano ang kahulugan ng talata?

Sagot :

Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na paunlad na bumuo at nagpahayag ng isang kaisipan. Ang bawat pangungusap ay kailangang magkakaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata. Malimit ang nasa unahan o ulihan ang paksang pangungusap. Ito ang naglalaman ng diwa ng talata.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/413266

Katangian ng isang mahusay na talata

  • kaisahan - Ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa at walang kaisahan ang talata kung watak- watak ang ideyang ipinahayag ng bawat pangungusap.
  • kaugnayan - Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa dulo ng pahayag.
  • kaanyuan - Ang talata ay maaring buuin, ayusin at linangin ayon sa lugar o heograpiya, ayon sa kahalagahan o ayon sa kasukdulan.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/13298

Mga bahagi ng isang talata

  1. Panimulang pangungusap
  2. Gitnang pangungusap
  3. Pangwakas na pangungusap

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/575043