Sagot :
BULUTONG
- Ang bulutong sa ingles ay tinatawag na Chickenpox. Hindi bawal mahanginan ang may bulutong, sapagkat ang nararamdaman ng may bulutong ay mainit sa katawan kaya mas nakakatutulong ang hangin upang maging komportable. Ito ay Isang malalang impeksiyon na idinulot ng varicella-zoster virus na pangunahing nakaaapekto sa mga bata na wala pang 12 taon ang edad at halos lahat ng mga tao ay nagkakaroon ng panlaban sa sakit habambuhay pagkatapos ng impeksiyon sa bulutong-tubig. Ang virus ay maaaring manatiling nanahimik sa katawan at babalik sa maraming taon sa kinalaunan bilang herpes zoster (shingles)
Ang mga sumusunod ay sintomas ng bulutong
1. Labis na pagkapagod
2. Mataas na lagnat
3. Pagkawala ng ganang kumain
4. Pananakit ng kalamnan
5. Pananakit ng mga kasu- kasuan
6. Pananakit ng ulo
Upang Makaiwas sa ganitong sakit, basahin ang mga sumusunod
• Panatilihin ang mabuting kalinisan sa pangangatawan at kapaligiran
• Sa ilalim ng Programa ng Pagbabakuna sa Pagkabata, ang mga bata ay tumatanggap ng dalawang dosis na kurso ng pagbabakuna laban sa bulutong. Ang mga magulang ay maaaring kumonsulta sa mga doktor ng pamilya o sa mga Sentro ng Kalusugan ng Ina at sa health center ng barangay.
• Iwasan ang kumain ng bagoong o maaalat na pagkain.
Para sa karagdagang impormasyon buksan ang link na nasa ibaba;
brainly.ph/question/2357629
brainly.ph/question/2169908
brainly.ph/question/1333307