Sagot :
Ang iba’t-ibang uri ng Klima
- Tag-araw o Tag tuyot – Pinakamainit at isa sa pinakatuyong mga panahon ng taon.
- Tag-ulan ito ay panahon nagaganap sa buwan ng Hunyo at karaniwang natatapos sa buwan ng Nobyembre.
- Tag-Lagas – Panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang tag lamig.
- Tag-lamig panahon ng tag-yelo o winter.
- Tagsibol p panahon pagkalipas ng tagyelo at bago sumapit ang tag-init o tag-araw.
Klima ang tawag sa kalagayan ng panahon sa isang lugar. Ito ay maaring tumagal nang mula tatlo o anim na buwan hanggang isang taon. Kapag buwan ng Hunyo hanggang Agosto, ang Hilagang Polo ay nakahilig na paharap sa araw. Sa ganitong posisyon, ang klima sa Hilagang Hating-globo ay tag-init, kaya mas mahaba ang araw dito kaysa gabi. Samantala ang klima naman sa Timog Hating-globo ay taglamig dahil hindi ito nasisikatan ng araw. Mas mahaba naman ang gabi dito
Uri ng Klima (Koeppen’s Climate Classification)
- Tropikal Humid Climate
- Tropical Wet and Dry Climate
- Arid Climate
- Moist Tropical-Mild latitude Climate
- Continental Climate
- Polar Climate
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Koeppens Climate Classification bisitahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/1565096
Ang pangkalahatang Klima sa Pilipinas ay Tag-Araw mula Nobyembre hanggang Mayo at Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang Oktubre. May apat na Uri ng klima ang bansang Pilipinas.
Uri ng klima sa Pilipinas
- Unang uri ng klima na may madalas at maraming pag9-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw sa ibang buwan.
- Ikalawang Uri ng Klima na walang matinding tag-ulan at maigsi lang ang tag-init.
- Ikatlong Uri ng Klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan dahil hindi madalas at hindi rin maramo ang pag-ulan.
- Ikaapat na Uri ng Klima na may ulan halos sa buong taon.
Para sa dagdag kaalaman tungkol sa Klima ng Pilipinas bisitahin ang link na ito https://brainly.ph/question/585746
Ang hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t-ibang direksyon at pabago-bago.
Tatlong uri ng Hangin sa Pilipinas
- Balaklaot o Hanging Hilaga (tradewinds)
- Hanging Habagat
- Hanging Amihan o Sabalas
Para sa mas detalyadong kaalaman ukol sa Uri ng Hangin sa Pilipinas tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/865304