Ano ang mga katangian ng agila?

Sagot :

Ang agila ay isang katangi-tanging ibon na may pambihirang mga katangian at kakayahan.

Madaming klase ng agila mayroon sa mundo ngunit kadalasan sa mga ito ay malalakas at matalas ang paningin. Kaya nga tinagurian ang agila na "birds of prey". Ang ibiog sabihin ng "birds of prey" ay mga uri ng mandaragit na ibon, nakikilala sa pamamagitan ng isang baluktot na tuka at matalim na mga kuko.

Ang mga nakalagay sa ibaba ay ilan lamang sa mga katangian ng agila:

  1. Matalas ang paningin ng mga agila, masasabing mas malinaw ng higit sa walong beses ang paningin ng mga agila kumpara sa isang tao.
  2. Makapangyarihang mga pakpak nito, kapag binuka, umaabot ang mga pakpak nito ng higit dalawang metro.
  3. Matapang ang mga ibong ito kayanaging simbolo ito ng katapangan at kapangyarihan.
  4. Kalimitang namumugad ang mga ito sa matataas na talampakan o matatayog na mga puno.
  5. Umaabot ng 20-30 taon ang buhay ng isang agila sa natural nitong tirahan.
  6. Ang mga agila ay teritoryal.

Para sa iba pang mga impormasyon , maaring bisitahin ang sumusunod:

  • Bakit mahalagang mapigilan ang pagkaubos ng mga Haribon - (https://brainly.ph/question/359091)
  • Simbolo ng agila sa Pilipinas? - (https://brainly.ph/question/2703400)

#BetterWithBrainly