Ano ang ibig sabihin ng faithfull?

Sagot :

Answer:

Ibig sabihin ng Faithful

Ang faithful ay nangangahulugang "tapat at totoo" sa lahat ng bagay maging sa sarili man o sa ibang tao. Ibig sabihin ang isang taong faithful ay hindi kailanman marunong magsinungaling at mandaya dahil siya ay isang marangal na tao. May kaugnayan din ang salitang faithful sa salitang may tiwala, loyal o honest.

Sitwasyong may kaugnayan sa pagiging faithful na kaibigan

Ang kaibigan ay ang taong iyong maasahan, masasandalan at takbuhan, sa mga oras ng pangangailangan. Sila ang isa sa mga katuwang mo sa iyong mga problema bukod sa iyong pamilya. Ang ating kaibigan, ay isang mahalagang taong maaaring tumulong sa atin upang mas mahubog pa ang ating pagkatao.  

Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.

Napakahalaga na taglayin natin ang katangiang maging faithful sa ating mga kaibigan dahil isa itong paraan upang mas lalo pang maging matibay at matatag ang ugnayan at samahan ng isa’t isa. Ang pagiging faithful sa isa’t isa ay magiging pundasyon sa pagbuo ng tiwala at kapanatagan ng kalooban. Kung tapat at totoo ka sa iyong kaibigan, wala kang itatago at hindi ka maglilihim magiging payapa at maayos ang inyong samahan. Ang samahang walang makakatibag at samahang hindi kailanman mapaghihiwalay ng sinuman.

Ngunit, dapat ring palagi nating tandaan na ang katapatan ng kaibigan ay hindi lamang masusukat sa panahon ng pangangailangan kundi nakikita ito sa bawat bagay na ginagawa niya, malaki man ito o maliit maaring magkaroon pa rin ito ng isang malaking epekto sa iyong pagkatao.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagiging faithful o matapat, magtungo sa link na: /brainly.ph/question/1525441

#LetsStudy