Ano ang open door policy ?

Sagot :

       Unti-unting humina ang katatagan ng pamahalaang Tsino matapos matalo sa mga Digmaang Opyo. Sinamantala ito ng mga Kanluranin at tuluyang sinakop ang bansa. Hinati nila ang China sa mga spheres of influence noong 1900s. Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito.
       Dahil sa pagkakahati-hati ng China sa spheres of influence, nangamba ang United States sa posibilidad na isara ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito. Upang maiwasang maputol ang ugnayan ng United States sa China, iminungkahi ng Secretary of State ng United States ang pagpapatupad ng Open Door Policy kung saan magiging bukas ang China sa pakikipagkalakan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito.