Sagot :
Ang mga tauhan sa Ibong Adarna
- Ibong Adarna
- Haring Fernando
- Reyna Valeriana
- Don Pedro
- Don Diego
- Don Juan
- Prinsesa Maria
- Haring Salermo
- Prinsesa Juana
- Prinsesa Leonora
- Ang Leproso
- Ang Manggagamot
- Arsobispo
- Lobo
- Ang Higante
- Ang Serpyente
- Ang Agila
- Unang Ermitanyo
- Pangalawang Ermitanyo
- Ibong Adarna
Ang mahiwagang ibon na sinasabing tanging makagagamot sa karamdaman ng Hari ng Berbanya, ang ibong Adarna ay makikita sa bundok ng Tabor ang punong kanyang hinahapunan ay ang Piedras Platas, Pitong ulit na nagpapalit ng kulay ang Ibong Adarna, at pitong ulit ding siyang umaapit kung sino man ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.
- Haring Fernando
Ang Butihing hari ng Berbanya,ang ama nina Don, Pedro, Don Diego at Don Juan siya ay may maganda at mabait ding Reyna na katuwang niya sa buhay, Si haring Fernando ay isang haring maginoo at may mabuting puso nililitis niya ng patas ang mga taong nagkakasala sa kaniyang kaharian.
- Reyna Valeriana
Siya ang Reyna ng Berbanya ang asawa ni Haring Fernado ang butihin at napakabait na ina nina Don Diego, Don Pedro at Don Juan. Si Donya Valeria ay inilalarawan din bilang may magandang pisikal na kaanyuan siya ay magiliw din sa mga tao na kanilang nasasakupan.
- Don Pedro
Sa tatlong anak ni Don Fernando at reyna Valeriano siya ang may matipunong pangangatawan siya ang panganay na anak ng hari at reyna, ang napangasawa niya ay si Princess Leonora, sa kabila ng kanyang pagiging panganay na dapat siya ang nagpapasunod ng maganda sa kanyang mga kapatid ay kabaliktaran ang nangyari, lagi siyang may masamang isip kay Don Juan dahil sa inggit.
- Don Diego
Siya naman ay may katangian ng pagiging tahimik pero mapanganib sapagkat siya ang katulong ni Don Pedro sa pagbabalak at paggawa ng masama sa kanilang kapatid na si Don Juan siya ang pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valenriana, mapapangasawa naman niya si Princess Juana.
- Don Juan
Siya ang bunsong anak nina haring Fernando at Reyna Valeriana mapapangasawa niya si Prinsesa Maria Blanca, sa magkakapatid siya ang paborito ng hari, si Don Juan ay may mabuting puso, iniligtas niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging baton g mga ito.
- Prinsesa Maria Blanca
Siya ang naging asawa ni Don Juan anak siya ng haring Salermo isang napakagandang prinsesa kaya nabihag niya ang puso ni Don Juan siya ay may putting mahika.
- Haring Salermo
Siya ang matapang na hari ng Reyno De Los Cristales gumagamit siya ng itim na mahika, siya ang humahadlang sa pag-iibigan nina Don Juan at Prinsesa Maria
- Prinsesa Juana
Siya ang prinsesa na sinasabing unag minahal ni Don Juan siya ang prinsesang gumagamit ng itim na mahika, siya ang kauna unahang prinsesang natagpuan ni Don Juan sa isang balon at iniligtas niya ito sa isang higante.
- Prinsesa Leonora
Siya naman ang napangasawa ni Don Pedro kapatid siya nina prinsesa Juana at Prinsesa Maria, siya din ang tinutukoy na prinsesang nakatira sa loob ng mahiwang balon.
- Ang Leproso
Siya ang matandang binigyan ng pagkain ni Don Juan, siya rin ang tumulong kay Don Juan kung papaano makakarating sa tinitirhan ng Ibong Adarna.
- Ang Manggagamot
Siya lang nag tanging nakabatid sa karamdaman ni Haring Fernando, siya din ang nagsabing tanging ang ibong adarna lamang ang makakagamot sa hari.
- Arsobispo
Siya ang isa sa maykatungkulan sa kaharian na pangalawa sa hari, siya ang nagpasya na si Don Juan ay ipakakasal kay Donya Leonora ngunit sa kalaunan ay kay Donya Maria parin ito napakasal
- Lobo
Ang Lobo ang siyang nagpagaling sa mga sugat ni Don Juan.
- Ang Higante
Ang napakalaking nilalang na nagbabantay kay prinsesa Juana, ngunit napatay siya ni Don Juan
- Ang Serpyente
Siya naman ang nilalang na mayroong 7 ulo na nagbabatay kay Prinsesa Leonora, ngunit di rin siya umobra kay Don Juan sapagkat napatay din siya nito.
- Ang Agila
Siya namang ang napakalaking ibon nan a sinakyan ni Don Juan para makapunta sa Reyno Delos Cristales.
- Ang unang Ermitanyo
Siya ang matandang lalaki na nagturo kay don Juan kung papaano huhulihin ang Ibong Adarna at nagturo sa kanya kung papaano ililigtas ang kanyang dalawang kapatid na naging bato.
- Ang pangalawang Ermitanyo at pangatlong ermitanyo.
Ang pangalawang ermitanyo na may anyong mahabang balbas, sinabi niya kay Don Juan na hanapin ang pangatlong ermitanso sapagkat ito ang makakatulong sa kanya. Ang pangatlong Ermitanyo ang nagsabi kay don Juan na sumakay ito sa isang agila upang makapunta sa Reyno Delos Cristales.
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Sino ang sumulat ng ibong adarna ? https://brainly.ph/question/282459
Saan nabibilang ang ibong adarna? https://brainly.ph/question/2084602