mahusay sumagot, it is pangabay?mahusay ang gawa, it is pangabay?mabilis na iniluto, it is pangabay?

Sagot :

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Mahusay sumagot --- Ang salitang mahusay ay halimbawa ng isang pang-abay sapagkat inilalarawan nito ang pandiwa na sumagot.

Mahusay ang gawa --- Ang salitang mahusay ay halimbawa ng isang pang-uri sapagkat inilalarawan nito ang pangngalang gawa. (Ang pang-uri ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pangngalan).

Mabilis na iniluto --- Ang salitang mabilis ay halimbawa ng isang pang-abay sapagkat inilalarawan nito ang pandiwa na iniluto.