Sagot :
Ibig Sabihin Ng "Tinik Sa Lalamunan"
Ang tinik sa lalamunan ay isang sawikain. Ang ibig sabihin nito ay problema o hadlang. Ito ang bagay na humaharang o pumipigil upang makamit ang mga ninanais. Ito'y inihahalintulad sa tinik sa lalamunan dahil tulad nito ay nais nating maalis ang problema o hadlang sa ating tagumpay. Sa Ingles ito ay thorn in my throat.
Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang ilang pangungusap gamit ang sawikain na tinik sa lalamunan upang mas maintindihan ito.
- Bata pa lamang ako ay tinik sa lalamunan ko ang asignaturang Matematika.
- Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si nanay nang makuha niya ang pera na padala ni tatay para sa aking pag-aaral.
- Ayokong maging tinik sa lalamunan ng aking pamilya kaya sisikapin ko na makatapos ng pag-aaral.
Mga Halimbawa ng Sawikain
Ang sawikain ay mga matalinghagang salita o parirala. Ang kahulugan nito ay malalim at hindi literal na kahulugan ng mga salitang ginamit. Narito ang iba pang halimbawa ng sawikain at ang kanilang kahulugan:
- Bilang na ang mga araw - Malapit ng mamatay
- Kilos pagong - Mabagal
- Kumukulo ang sikmura - Nakakaramdam ng gutom
- Galit sa pera - Magastos
- Nakahiga sa salapi - Mayaman
- Hinahabol ng karayom - May sira ang damit
- Huling baraha - Natitirang pag-asa
- Ibaon sa hukay - Kalimutan
- Makapal ang palad - Masipag
Iba pang halimbawa ng sawikain:
https://brainly.ph/question/118674
#LearmWithBrainly