bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikabubuti ng bansa

Sagot :

Mahalaga ang pakikibaka kasi kung hindi natin gawin iyan, hindi malalaman ng gobyerno o ng kung sino man ang ating mga saloobin, suhestiyon, at pakiusap. Parte taro ng ating bansa kaya ang mga bagay na ikakabuti sa atin ay ikabubuti rin ng bansa. Kung hindi tayo makibaka, hindi matustusan ng gobyerno ang mga kailangan at gusto nating mga mamamayan.

Mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa. Kailangan nilang magkaisa dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Hindi dapat nagkakaaway ang mga mamamayan sa isang bansa dahil ang totoo ay sila ay magkakakampi. Pare-parehas tayong mga Pilipino kaya mahalin natin ang kapwa nating Pilipino. Kailangan nating magtulungan at magkaisa para maipakita sa ibang bansa na ganito ang mga Pilipino, na ganito ang bansang Pilipinas, na ganito tayo, nagkakaisa at hindi nagkakaaway.