anu po ba ang meaning ng saktong buhay: sa de kalidad na edukasyon pinanday..?

Sagot :

Ang gustong iparating ng mga salita o ng temang ito ay dahil sa edukasyon kaya nagkakaroon ng magarang buhay ang mga mamamayan. Dahil sa edukasyon, nagkaroon sila ng magandang buhay. Dahil sa edukasyon, hindi sila nahihirapan ngayon kumbaga parang tama lang lahat, mga pagkain, pananamit, gamot, tubing o kung ano-ano pang mga pangangailangan. Kaya ang gusto nitong gawin natin ay pagbutihin natin ang edukasyon. Sineseryoso dapat natin ang edukasyon dahil importante ito para sa ating kinabukasan. Kailangan nating mag-aral upang magkaroon tayo ng kaalaman, Agham man, Sining, Matematika o Ingles. Gusto nitong iparating sa atin na pahalagahan natin ang edukasyon dahil ito ang magdadala sa atin sa saktong buhay na ating hinahangad.