Can anyone give me a sample tagalog speech for recognition day of elementary students w/ the theme saktong buhay:sa de kalidad na edukasyon pinanday?

Sagot :

Para sa akin, ang ibig iparating ng temang ito ay kung gaano kaimportante ang edukasyon. Ang edukasyon ay isa sa mga mahahalagang bagay na dapat iniingat-ingatan ng mga kabataan. Ang edukasyon ay hindi lang basta-basta laruan at hindi dapat ginagamit sa kalokohan. Kailangan nating seryosohin ang ating edukasyon o ang ating pag-aaral dahil isa iyan sa pinakamalaking biyayang ibinigay ng Panginoon sa atin. Siguro nga hindi pa naiintindihan ng iba ang kahalagahan ng edukasyon pero I swear, dadating rin ang araw na maiintindihan nila nang buong-buo kung gaano ba iyan kaimportante. Yung buhay natin ngayon, pwede pa iyang mabago. Pwede pa tayong magkaroon ng mas maganda at mas komportable na pamumuhay kung pagbubutihin natin ang edukasyon. Yung edukasyon? Pahalagahan niyo iyan at tsaka bigyan niyo iyan ng importansya dahil diyan nakadepende ang kinabukasan niyo, diyan nakadepende ang magiging  buhay niyo kapag nakapagtapos na kayo ng pag-aaral.