Sagot :
Ano ang kasunduang Nanking?
ano ang kahulugan ng kasunduan basahin sa brainly.ph/question/878359
- Matatandaang dumanas ng pagkatalo ang China mula sa kamay ng England at France matapos ang Digmaang Opyo.
- Matagal ng hangarin ng mga kanluraning bansa na sakupin ang bansang China. Naging mainit ang usapin sa Digmaang Opyo.
- Ito ay nag-ugat sa hidwaang Import at Export sa pagitan ng England at China.Higit na mas maraming inaangkat na produkto mula sa mga British ang China kaysa sa England.
- Kung kaya’t ipinasara ng emperador ang kanyang mga daungan sa China para sa mga nandaruyuhang kanluranin.
- Bukod pa dito, ang mga nandarayuhan ay hindi nagsasagawa ng ritwal na kowtow o pagyukod ng tatlong beses sa harap ng emperador na nahalik sa lupa at maghandong ng kaukulang regalo.
- Ipinakita ng China ang kanyang katatagan at pag-unlad sa larangan ng edukasyon, kultura, pulitika, lipunan at pang-ekonomiya nang walang nandarayuhan.
- Ang katotohanang ang mga kanluranin ang umaasa sa China dahil sa mayamang likas yaman nito na kinakailangan ng kanluran sa kanilang produksiyon.
- Ang paghihiwalay ng China ng kanyang sarili sa daigdig (isolationism) dahil higit na pinahahalagahn niya ang kanyang kultura.
- Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi na napigil ng China ang panghihimasok ng mga bansang kanluranin at tuluyang pakinabangan ang kani-kanilang mga likas yaman.
- Agosto 29,1842 nilagdaan ang isang kasunduang tinawag na Treaty of Nanking o Nanjing sa pagitan nina Sir Henry Pottinger na kinatawan ng British at Qing kasama ang mga kinatawan na sina Qiying, Yalibu at Niu jan na binubuo ng labintatlong artikulo na naglalaman ng probisyong hindi pabor para sa mga Tsino.
- Pinagtibay ang nasabing kasunduan ng emperador na si Daoguang noong Oktubre 27, 1842 at ni Queen Victoria ng Britanya noong Disyembre 28, 1842.
- Ang pagpapatibay ay pinalitan sa Hongkong noong Hunyo 26, 1843 at nanatili ang kopya sa pamahalaan ng Britanya at may sipi ng kopya sa Ministry of Foreign Affairs sa republika ng China at sa National Palace Museum.
Ano ang unang kasunduan Kasunduang Tientsin o Kasunduang Nanking?brainly.ph/question/2065193
Bakit nagkaroon ng digmaan
brainly.ph/question/1098081
#LEARNWITHBRAINLY