Paano nag kakaiba ang pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga asyano noong sinakop tayo ng mga bansang kanluranin?

Sagot :

Dahil sa pagkakaroon ng nasyonalismo ng mga dayuhan sa kanilang sariling bansa, napilitan silang sakupin ang mga bansa sa Asya. Inabuso nila tayo at gumamit ng dahas upang mapasunod tayo sa kanila. At dahil dito, umusbong ang nasyonalismo nating mga Asyano.

Nakipaglaban ang mga Asyano katulad ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Nakipaghimagsik at nakipagdigmaan sila upang maitaguyod ang katarungan at kalayaan ng bansa. Nakipagdigmaan sila dahil sawa na sila, ayaw na nila sa mga pamamaraan ng mga dayuhan sa kanila. Ito ang unang paraan o ang pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. Pinamunuan ito ng mga bayaning nakipaglaban o nakipagdigma katulad ni Andres Bonifacio. Nakipaglaban siya hanggang sa kanyang huling hininga upang makamit lang ang kalayaan ng bansang Pilipinas at iyon ang isang paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Pilipino.

Hindi nagustuhan ng ibang mga Pilipino ang paraan na ginawa ng pangkat ni Andres Bonifacio kaya nakahanap sila ng ibang paraan upang maipamalas ang damdaming nasyonalismo. Ito ay ang grupo nina Jose Rizal o ang kilusang Propaganda. Hindi nga sila nakipaglaban gamit ang matatalim na espada ngunit nakipaglaban sila gamit ang panulat. Nagpakita sila ng nasyonalismo gamit ang mapayapang paraan na alam nila at iyon ang pagsulat laban sa mga Kastila.