Personipikasyon - Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
⇒ Lumuha pati ang langit sa kanyang kasawian.
⇒ Nakakamanghang panoorin ang mga sumasayaw na alon ng dagat.
⇒ Nangangamba ako at baka hindi na matuloy ang aming lakad dahil nagtatago na ang araw sa likod ng mga ulap.