Sagot :
Ano ang kahulugan ng tarok ?
Ang kahulugan ng tarok ay ang pagkakaunawa sa isang bagay, pangyayari o sitwasyon. Ang salitang ito ay ginagamit upang ipakita na alam ng taong nagsasalita ang bagay na tinutukoy nito.
Mga pangungusap gamit ang salitang tarok
- Tarok ni Eva ang magaganap na pagtitipon sa baranggay kaya’t gabi pa lamang ay inihanda na nito ang mga gagamitin sa pagpupulong.
- Isang magaling na guro si Ginang Maria sapagkat tarok ng mga mag-aaral niya ang lahat ng mga napag-aralan sa klase.
- Hindi matarok ni Elsa ang utos ng ama kaya’t hindi niya ito nagawa ng maayos.
Mga kasingkahulugan ng salitang tarok at gamit nito sa pangungusap
Alam, Inaalam,Inalam
- Ang lahat ng napag-usapan ng magkapatid na si Jose at Andres ay alam ng kanilang ina sapagkat dinig na dinig nito ang boses ng mga anak.
- Kasalukuyang inaalam ng mga mananaliksik ang sanhi ng pagkakasakit ng nakararami.
- Inalam ni Jose ang mga pamamaraan upang umunlad ang kanyang negosyo kaya’t kakikitaan siya ng tagumpay.
Batid
- Batid ng punong-guro ang lahat ng pagsisikap ng kanyang sinasakupan para sa ikauunlad ng mga mag-aaral.
- Nais mabatid ni Lorna ang sitwasyon ng ina kaya’t nagtungo ito sa ospital.
- Ang lihim ng tagumpay ni Berto ay batid ng kanyang ina sapagkat ito ang kanyang nagsisilbing gabay.
Talastas
- Talastas ng guro ang mga asignaturang ginawa ng mag-aaral.
- Ang lahat ng napag-usapan sa pulong ay talastas ng batang si Ben.
Unawa
- Unawa ni Lisa ang hirap ng buhay nila kaya minabuti niyang magtrabaho habang nag-aaral.
- Pilit inuunawa ni Marco ang kanyang aralin sa Filipino upang makakuha ng mataas na marka.
Magtungo sa link na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/129331
https://brainly.ph/question/540454
https://brainly.ph/question/292486
#LearnWithBrainly