Sagot :
Mga Mahahalagang Kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig:
Hulyo 28, 1914 - Nagumpisa ang unang digmaang pandaigdig. Humigit kumulang sa 70 milyong tauhan ng militar, kabilang ang 60 milyong mula sa mga bansang bahagi ng Europa, ang pinakilos sa isa sa pinakamalaking digmaan sa kasaysayan.
- Umosbong ng tuluyan ang hidwaan at tuluyang naging digmaaan dahil sa pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria na tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary. Siya ay pinaslang ni Gavrilo Princip na isang Yugoslavistang nasyonalista.
Hulyo 24-25 - Nag-utos ang Russia ng isang bahagyang pagkilos ng mga hukbo nito.
Hulyo 28 - Nagpahayag ng digmaan ang Austria-Hunagry laban sa Serbia.
Hulyo 30 - Nagpahayag ng pagkilog ang bansang Russia.
Agosto 1 - Nagsimulang kumilos ang bansang Pransya.
Agosto 3 - Nagsimula ang digmaan na ipinahayag ng Alemanya laban sa Pransya.
Agosto 4 - Sinakop ng Alemanya ang mga bansang Belgium at Luxembourg.
Agosto 23 - Tuluyang sumali sa digmaan ang Japan at napabilang sa panig ng mga Allies. Sinamantala rin ng mga Hapon ang pagkakataon upang kanilang mapalawak ang impluwensya sa mga bansang Tsina at Pasipiko.
Nobyembre - Sumapi ang Ottoman Empire sa Central Powers.
Pasimula ng taong 1915 - Sumali ang Italya sa mga Allies at Bulgaria na sumali sa Central Powers
Marso 1917 - Gumuho ang pamahalaang Ruso laban sa pamahalaan pebrero
Abril 6 - Nagpahayag ng digmaan ang Estados Unidos laban sa Alemanya
Pasimula ng taong 1918 - Natapos ang nakamamanghang German Spring Offensive sa kahabaan ng Western Front
Nobyembre 11, 1918 - Nagtapos ang Unang Digmaang Pandaigdig at nagwagi ang kampo ng mga Allies.
Pagsimula at mga kasunduang nabuo sa Unang Digmaang Pandaigdig:
https://brainly.ph/question/295109
#LearnWithBrainly