Sagot :
Ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano ay hindi mabubuo kung hindi nagkaroon ng kolonyalismo at imperyalismo. Hindi sila magigising at hindi rin sila matututo na ipaglaban ang kanilang karapatan kung wala ang kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin. At isa pa, hindi magiging ganito o kaaya-aya ang ating kasaysayan kung wala ang kolonyalismo at imperyalismo. Dalawa ang dahilan kung paano nagkaugnay ang damdaming nasyonalismo sa kolonyalismo at imperyalismo. (1) Una ay ito ang pamamaraan ng pagpapakita ng mga kanluranin ng damdaming nasyonalismo sa kanilang sariling bansa. Ang pagmamahal nila sa kanilang bansa ang nagdala sa kanila na manakop ng ibang mga teritoryo o bansa. Gusto nilang umunlad at lumawak ang kanilang kapangyarihan kaya nanakop sila ng ibang bansa. Syempre, kung mahal mo ang bansa mo, gagawin mo ang lahat para lang mapaunlad at mapalawak iyon kaya sumakop sila ng mga mahihina at mayayabong na teritoryo. (2) Pangalawa naman ay kung paano napakita ng mga Asyano ang nasyonalismo sa kanilang bansa. Ang simpleng paglalarawan sa nasyonalismo ay pagmamahal sa sariling bansa. Bilang mga Asyano, hindi nila nagustuhan ang kolonyalismo at imperyalismo na ipinatupad sa kanila ng mga kanluranin. Ayaw nila na may nagmamanipula ng sarili nilang bansa kaya umusbong ang damdaming nasyonalismo. Nakipaglaban o nakipag-alsa sila sa mga dayuhan dahil gusto nilang makalaya at magkaroon ng karapatan sa sarili nilang bansa at iyon ang tinatawag na nasyonalismo.