Sagot :
Answer:
SINOPSIS
- Ito ay tinatawag ring isang buod ito ay isang uri ng lagom na kadalasang ginagamit sa iba’t ibang akda katulad ng;
- kwento
- salaysay
- nobela
- dula
- parabola
- pabula
- talumapati
- Ito ay maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na binubuo ng mga pangungusap.
- Ito ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o may-akda upang lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na mainitindihan.
- Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda,mahalagang malaman ang sagot sa mgasumusunod na tanong:
- Ano?
- Kailan?
- Saan?
- Bakit?
- Paano?
- Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung ang akdang binabasa na ginawan ng synopsis o buod sa pamamagitan ng paglalahad ng pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Dapat ding maiwasan ang pagbibigay ng iyong sariling pananaw o paliwanang tungkol sa akdang binasa.
Mga Kailangang Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis
- Gamitin ang ikatlong panauhan sa pagsulat.
- Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Isaalang-alang ang damdaming nakapaloob sa akda.
- Dapat mailahad dito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kinakaharap base sa akda.
- Kailangang gumamit ng angkop na mga pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lao na kung ang ginawan ng synopsis ay naglalaman ng marming talata.
- Siguraduhing wasto at tama ang gramatika, pagbaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
- Huwag kakalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Pinagkaiba ng lagom at synopsis: https://brainly.ph/question/1664910
#BetterWithBrainly