ano ang mga elemento ng Korido at ng Awit ?

Sagot :

(I'm not exactly sure if these infos are the elements that you're asking for but despite that, I hope that this will going to help you clearly).


Batay sa anyo
       · Awit - Binubuo ng labindalawang pantig sa loob ng isang taludturan, apad na taludtod sa isang taludturan.
       · Korido - Binubuo ng walong pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan.

Musika
      · Awit - Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante.
       · Korido - Ang himig ay mabilis na tinatawag na allegro.

Paksa
       · Awit - Ito ay tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
       · Korido - Ito ay tungkol sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.

Katangian ng mga Tauhan
       · Awit - Ang mga tauhan ay walang taglay na kapangyarihang supernatural ngunit siya ay nahaharap din sa pakikipagsapalaran ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay.
       · Korido - Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan ma hindi magagawa ng karaniwang tao.