ano ang kahalagahan ng pagkakaisa


Sagot :

Ano ang kahalagahan ng pagkakaisa?

Mahalaga ang pagkakaisa dahil isa ito sa mga susi upang maging maayos ang kalabasan ng isang gawain. Kunwari sa isang laro, sabihin nating basketball. Kung walang pagkakaisa o ang tinatawag nating teamwork, hindi imposible na hindi sila manalo sa larong iyon. Kung gusto nilang manalo, kailangan nilang magkaroon ng tiwala at teamwork sa isa't isa kahit anong mangyari. Kahit matalo man o manalo man, hindi dapat sila mawawalan ng teamwork sa isa't-isa. Kahit anong mangyari, sila pa rin naman ang magkakagrupo at magkakakampi kaya importante ang pagkakaisa. Kahit magkaaway man ang ibang mga myembro, magkakakampi pa rin sila dahil nasa isang team o grupo lang naman sila. Kaya importante ang pagkakaisa dahil kung mayroon tayong ganito, makikinabangan natin ang lahat at mayroon tayong matututunang aral dito.