Ang diptonggo ay isang konsepto sa linggwistika kung saan ito ay tumutukoy sa tunog na nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang patinig at isang mala-pantig. Pagsasama ito ng A, E, I, O, U pati ng W at Y.
Halimbawang pangungusap:
1. Ayaw niyang sumama sa labas dahil may binabantayan siyang sinampay.
Ang mga diptonggo sa pangungusap sa itaas ay ang –aw at –ay na matatagpuan sa mga salitang ayaw at sinampay.