Anong ibig sabihin ng implikasyon

Sagot :

ANO ANG IMPLIKASYON  

• Kung sa Ingles ito ay implication.

• Ito ay ugnayan sa pagitan ng dalawang pahayag ng isang pahayag na may pasubali o mayroong kondisyon

Ito ay ang pahayag na may kondisyon (Antesedente) o nauuna

• Na may kinahinatnan o konsekwente ( Kinalabusan, bunga o resulta.

• Ibig sabihin pinapahiwatig ni A ang B

• Ito ay ang pagbibigay ng konklusyon sa isang kaganapan

• Nagbibigay ng pangangatwiran o kadahilanan kung bakit nangyari ang isang sitwasyon  

Kahulugan ng implikasyon:

brainly.ph/question/382469

Halimbawa 1

  • Maraming tao ang bumibista sa Underground river sa Palawan
  • Ang implikasyon ay tanyag ang underground river bilang magandang pasyalan
  • Maraming tao ang pumupunta sa underground river dahil tanyag itong pasyalan.
  • Ang dami ng tao na pumapasyal sa underground river ay nagpapahiwatig na tanyag o kilala ang underground river sa buong mundo.

Halimbawa 2  

  • Marami ang namatay dahil sa pinag-utos ni Pangulong Duterte na bawal ang droga.
  • Ang implikasyon ay masigasig ang mga alagad ng batas  sa pagpapatupad ng programa
  • Maraming tao ang namatay dahil sa pagpapatupad ng programa ukol sa droga
  • Ang dami ng tao na namatay ay nagpapahiwatig na masigasig ang pagpapatupad ng mga alagad ng batas sa programa.

Iba pang halimbawa ng implikasyon: brainly.ph/question/37783

Ang implikasyon ay kasingkahulugan ng mga salita:

1. pagkakadamay,

2. pagkakasangkot,

3. pagsasangkot,

4. pagdaramay,

5. dalawit,

6. dawit,

7. pagkakadawit

8. hiwatig/pahiwatig.

#LEARNWITHBRAINLY