ano ba ang konklusyon ?


Sagot :

Ang konklusyon sa isang pananaliksik ay katulad din ng isang konklusyon sa isang essay. Ito ay tumutukoy sa pagsusuma ng mga argumentong inilahad sa isinulat. Dito rin nakapaloob ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa akda. Isinusulat ang isang konklusyon upang mas mapaintindi sa bumabasa ang mga puntos na nasabi na. Nasa baba ang ilang mahalagang puntos ukol sa konklusyon:

Huling Talata o Seksyon

Ang konklusyon ay ang huling talata sa isang essay o di kaya ay ang huling seksyon sa isang pananaliksik. Ang pagsulat nito ay halos parehas lang din sa pagsulat ng panimula o introduksyon dahil kailangang ilahad dito ang mga mahahalagang sinasabi ng iyong papel.  

Dapat Matandaan

Dapat matandaan ng mga mambabasa ang iyong sinulat, kaya mahalaga ang unang mga talata at ang mga huling talata nito, kung saan nakapaloob ang konlusyon. Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin sa konklusyon.

Huwag maglagay ng panibagong impormasyon

Ang isang layunin ng isang konklusyon ay pagtibayin ang mga dahilan bakit mo isinulat ang iyong papel. Dahil dito, hindi ka na dapat maglagay pa ng bagong impormasyon o bagong argumento sa iyong konklusyon. Ang mga importanteng datos ay dapat nakapaloob na sa katawan ng iyong papel.

Mahalaga ang konklusyon dahil dito mo maipapakita sa mga mambabasa kung bakit mahalaga ang iyong sinulat.

Para sa dagdag kaalaman:

Paragraph Writing: https://brainly.ph/question/2249421

Action Research: https://brainly.ph/question/81078