Ang mock trial ay isang paraan ng panggagaya sa kung ano ang nangyayari sa isang totoong paglilitis sa korte. Ginagawa ito kung minsan ng mga abogado bilang paghahanda sa totoong paglilitis, gumagamit sila ng mga boluntaryo na gaganap sa mga eksena ng paglilitis para masubok at makapagsanay sila. Ginagawa din ito ng mga estudyante na nag-aaral ng abogasya, para maging pamilyar sa legal na sistema ng paglilitis sa mahusay na paraan.
Tulad ito ng isang pagsasadula, na ang bawat isa ay magpapanggap sa papel na ibinigay sa kaniya. Halimbawa magpapanggap ka bilang isang hukom, akusado, testigo, o iba pa. Ang mga pangyayari ay katulad din ng mga pangyayari sa isang totoong paglilitis.