Ang pang-abay ay salitang nagbibigay turing sa pandiwa, sa pang-uri o sa kapwa pang-abay. Ang pang-abay na pamaraan ay pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang salitang kanyang tinuturing.
Halimbawa:
Tumakbo ka nang mabilis.
Ang bagal mong kumain.
Gawin mong malinaw ang iyong pagsasalita.