mga bahagi ng pahayagan

Sagot :

Mga Bahagi o Pahina ng Pahayagan

Pangmukhang Pahina – makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang Pandaigdig – mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Balitang Panlalawigan – mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.

Pangulong Tudling/ Editoryal – sa pahinang ito mababasa ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.

Balitang Komersyo – dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.  

Anunsyo Klasipikado – makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo – ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

Libangan – ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, athoroscope.

Lifestyle – mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

Isports – naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.

Message me for more Info.TY:))