Sagot :
Ang ibig sabihin ng globalisasyon ay ang pagiging mas maliit ng mundo. Sa ilalim ng globalisasyon, ang dating kaganapan na partikular sa isang lokal na lugar lamang ay lumalawak na at nagaganap na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa ano ang globalisasyon ay nasa ibaba.
Ang konsepto ng globalisasyon ay ang dahilan kung bakit mas malaya at mas talamak na ang paggalaw ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kailan nagsimula ang globalisasyon? Pinaniniwalaang ang Suez Canal ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng globalisasyon kung saan naging paraan ito upang gawing mas madali ang pangangalakal mula sa isang kontinente papunta sa mga kabilang kontinente.
Ang halimbawa ng globalisasyon ay ang paggamit ng Facebook at Instagram ng iba't ibang mga lahi, at ang paglaganap ng mga multinational corporations sa iba’t ibang bansa kagaya ng Adidas, Nike at Acer. Bukod dito, ang globalisasyon din ang dahilan kung bakit talamak na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang sushi at sashimi ng bansang Japan, ang kimbap at bibimbap ng bansang Korea, ang dimsum at dumplings ng bansang China, at marami pang iba.
Iyan ang ibig sabihin ng globalisasyon.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa.
Iba pang kahulugan ng globalisasyon: https://brainly.ph/question/287825
Iba pang halimbawa ng globalisasyon: https://brainly.ph/question/829226
Mga solusyon sa hamon ng globalisasyon: https://brainly.ph/question/918062