Sa pamamahala ni Corazon Aquino, isang malaking hamon ang pang-ahon sa ekonomiya ng bansa. Naitatag muli ang demokrasya. Ang unang bahagi ng pamamahala ni pangulong Aquino ay batay sa "Freedom Constitution", isang pansamantalang saligang batas na itinakda ng proklamasyon bilang 3 na ipinairal noong ika- 25 ng Marso, 1986. Bukod dito, madami pang ginawa si Pangulong Aquino:
- Nilikha ang PCHR (Presidential Commission on Human Rights) upang magsiyasat ng mga paglabag sa mga karapatang pantao.
- Isinagawa ang pagbalangkas ng bagong Saligang batas (Saligang batas ng 1987).
- Dahil sa kinakailangan ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayang pangkalakalan sa ibang bansa, tumungo siya sa iba't-ibang bansa upang humingi ng tulong na pangkabuhayan.
- Inilunsad ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program). Ang layunin nito ay mailipat ang pagmamay-ari ng lupang sakahan sa mga magsasaka.
- Sinimulan ang patakarang National Reconciliation.
(Iyan ang ilan sa mga nagawa ni Pangulong Aquino. Madami pa siyang nagawa sa ating bansa.)
Hope it helps :)
--Mizu