Kahulugan ng Salitang "Padaskol"
Ang padaskol ay binubuo ng unlaping pa- at salitang ugat na daskol. Ang ibig sabihin ng padaskol ay ang mga sumusunod:
- harabas
- walang ingat at mabilis na paggawa ng isang bagay o pagsasabi ng kung anuman sa kapwa
- padalos-dalos
Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang Salitang "Padaskol"
- Huwag kang sumulat ng padaskol dahil nahihirapan ang iyong guro na intindihin ang mga sagot mo.
- Para hindi ka makasakit ng damdamin ng iba, huwag kang magsalita ng padaskol.
- Kaunti na lamang ang bumibili ng iyong mga gawang basahan dahil padaskol ang iyong pagtatahi.
Para sa iba pang salita at kahulugan nito, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2752020
#BetterWithBrainly