Sagot :
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isang Pilipinongbayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinitignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan niAndrés Bonifacio, isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan.Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino
TY:):))
TY:):))